Huwebes, Abril 19, 2018

10 Tips Para Sa Mga Mahirap Pakainin


1. Huwag pakainin ng matatamis dahil masasanay ang dila at hahanapin na nila ang lasa nito gaya ng mga candies o chocolates. Bawal rin ang softdrinks. Pagsinanay mo sa matatamis ay aayawan na niya ang gulay dahil natural na di matatamis ang mga ito.
2. Huwag pagalitan o saktan para lang kumain. Kinakatakutan tuloy niya na darating na naman ang pananghalian o hapunan kaya tuloy hindi nadedevelop ang natural na curiosity o pagkagusto nito sa pagkain. Kailangan ang bata ay matutong kumain sa rason na dahil gutom na siya at hindi dahil papagalitan sila.
3. Kung konte lang ang kinakain, kailangan meroon kang gatas araw-araw upang mahabol ang kulang niya na sustansiya. Dalawa o tatlong baso ng gatas ay napakalaking tulong na.
4. Itabi mo ang anak mo sa ibang bata na malakas kumain para makita niya na may batang katulad niya malakas na palang kumain at tuloy gagayahin niya ito. Pero huwag mo naman siyang piliting gumaya kaagad. Lahat ng pagbabago ay dahan dahan ang importante ay nakita niya ito.
5. Gawing masaya ang hapag kainan. Bawal ang mga sigawan at awayan. Nakawala po ito ng gana para sa kumakain.
6. Yung mga gulay na ayaw niya pero alam mong importante, pwede mong tadtarin ng pino at ihalo ng konte sa kanin o sa ulam para di gaanong mahalata.
7. Gawing attractive ang gulay. Kunwari yung caulifower gawing itsurang fried chicken. Marami sa youtube ang paraan kung papaano gawin ito.
8. Tangapin ang katotohanan na merong mga batang mapili sa pagkain. Ang dila o ang panlasa ng isang tao ay namamana rin. Baka ikaw o ang asawa mo nung bata pa kayo ay mapili rin at mahirap ring paka-inin pero tingnan mo naman ang nangyari sayo ngayon? Diba lumaki ka rin at naging palakain ka na rin? Ganoon din ang mangyayari sa iyong anak, babago rin yan at lalakas ring kumain. Kaya relax lang. Wag lang parating pagalitan. Huwag din parating ikumpara sa ibang bata na malakas kumain dahil baka ang lahi din nila ay malakas kumain kahit bata pa. May taong masyadong nasasarapan sa ampalaya meron ding para sa kanya ay ito ay lasang parusa. Di niya kasalanan yun, nasa lahi din yun.
9. Paminsan minsan epektibo rin ang Vitamins na may Buclizine dahil ito ay appetite stimulant pero limit lang po yan sa dalawang buwan tapos papalitan niyo naman ng Vitamins na walang buclizine. Pero uulitin ko paminsan minsan lang epektibo ito, sundin mo pa rin ang iba pang nakasulat dito.
10. Ang bata po ay may tinatawag na natural na “hunger centre” at “thirst centre” sa utak na yun ang nagsisgnal sa ating katawan na humanap na ng tubig at pagkain dahil konte na ang tubig at sustansya ang nasa katawan natin. Inilagay ng Diyos yan sa ating katawan upang tayo ay mabuhay. Di kailangan na pilitin siya na kumain at uminum. Magtiwala ka rin na gumagana ang mga thirst and hunger centers na yan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento