Ang lagundi o 'Vitex negundo' ay isang halamang-gamot sa Pilipinas. Ito ay tinatawag na dangla sa rehiyon ng Ilokos, at kinikilalang five-leaved chaste tree sa Ingles. Ang lagundi ay isa sa sampung epektibong herbal na gamot na rekomendado ng Department of Health (DOH). Ang lagundi ay karaniwang ginagamit na panlunas sa sakit tulad ng sipon at trangkaso, pharyngitis, chronic bronchitis, at bronchial asthma.
Ang lagundi ay halaman na maaaring tumubo hanggang sa taas ng limang metro. Ang lagundi ay may mga dahon na sumasanga sa limang maliliit na dahon.Ang bawat dahon ay may haba na apat hanggang sampung sentimetro. Ang mga bulaklak ng lagundi ay kulay asul o lila at may habang anim hanggang pitong milimetro. Ito ay bumubunga ng prutas na apat na milimetro ang laki at kulay itim kapag hinog.
Ayon sa mga pagsusuring phytochemical ng Department of Science and Technology, ang lagundi ay may Chrysoplenol D, isang sangkap na may mga katangiang antihistamine at muscle relaxant. Ito rin ay may isoorientin, casticin, at luteolin-7-0-glucoside na may epektong kasintulad ng antihistamine. Ang lagundi rin ay may cooling effect na nakapagtatanggal ng pamamaga sa katawan.
Ang mga dahon, bulaklak, buto at ugat ng lagundi ay ginagamit sa panggagamot. Ang mga ugat ng lagundi ay ginagamit sa paggagamot ng rayuma, dispepsya o ang pananakit ng tiyan dulot ng hindi pagkatunaw ng kinain, pigsa, bulate, kabag ng tiyan, at ketong. Ang mga ugat ng lagundi ay ginagamit namang lunas sa sakit sa puso at atay, pati na rin sa pagtatae at kolera. Ang mga dahon ay ginagamit din sa pagpaparami ng produksyon ng gatas ng ina. Ang dahon din ay maaaring gamitin sa pag-udyok ng regla.
Pakuluan ang dahon ng lagundi sa dalawang tasang tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Inumin ang kalahating tasa tatlong beses sa isang araw.
Para sa sugat o sakit sa balat, pakuluan ang mga ugat and dahon ng lagundi sa tubig at ipahid sa balat. Maaari rin itong pagbabaran sa pagligo.
Para pigilan ang pagkalat ng lason dulot ng kagat ng ilang hayop, pakuluan ang mga buto ng lagundi at kainin.
Para sa lagnat, pagtatae, sakit sa atay at kolera, pigain ang mga bulaklak ng lagundi at inumin ang katas.
Para sa sugat o sakit sa balat, pakuluan ang mga ugat and dahon ng lagundi sa tubig at ipahid sa balat. Maaari rin itong pagbabaran sa pagligo.
Para pigilan ang pagkalat ng lason dulot ng kagat ng ilang hayop, pakuluan ang mga buto ng lagundi at kainin.
Para sa lagnat, pagtatae, sakit sa atay at kolera, pigain ang mga bulaklak ng lagundi at inumin ang katas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento