Huwebes, Abril 19, 2018

SAMBONG


Ang sambong ay isang maliit na halaman na may mapayat ngunti matigas at mala-kahoy na katawan at nababalot ng mabalahibong dahon. Ang bulaklak ay tumutubo nang kumpol-kumpol sa isang sanga. Ito’y karaniwang tumutubo sa mabababang lugar at mga bakanteng lote sa ilang mga bansa sa Asya, kabilang na ang Pilipinas.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA SAMBONG?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang sambong ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang halaman na sambong ay mayroong volatile oil, l-borneol, l-camphor, limonene, saponins, sesquiterpene at limonene, tannins, sesquiterpene alcohol, palmitin, myristic acid.
Mayroon din itong flavonoids, terpenes (borneol, limonene, camphor, a-pinene, b-pinene, 3-carene, sesquiterpenes, monoterpenes, triteroenes, at cryptomeridiol), lactones (blumealactone A, B, C)

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Dahon. Ang dahon ng sambong ang bahagi ng halaman na madalas na ginagamit bilang gamot. Kadalasang nilalaga ito at iniinom na parang tsaa o kaya’y hinahalo sa tubig na pinangliligo. Maaari din itong dikdikin at ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan.
Ugat. Maaari din gamitin sa panggagamot ang ugat ng sambong. Inilalaga ito at iniinom din na parang tsaa.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG SAMBONG?

1. Sugat. Maaaring ipantapal ang dinikdik na dahon ng sambong sa sugat na hindi madaling maghilom. Makatutulong ito upang mapabilis ang paggaling sa sugat.

2. Lagnat. Dapat namang inumin ang pinaglagaan ng dahon at ugat ng sambong upang mapababa ang lagnat na nararanasan.

3. Karamdaman sa bato. Ang pag-inom din sa pinaglagaan ng dahon ng sambong ay mabisa upang mapabuti ang kondisyon ng mga bato o kidney. Tumutulong ito sa tuloy-tuloy na daloy ng pag-ihi.

4. Rayuma. Mabisa naman para sa kondisyon ng rayuma ang pagbabad sa bahagi ng katawan na nananakit sa tubig na pinaglagaan ng dahon ng sambong.

5. Sinusitis. Iniinuman din ng pinaglagaan ng dahon ng sambong ang kondisyon ng sinusitis upang mapabuti ang pakiramdam.

6. Sipon. Ang regular naman na pag-inom sa tsaa na nagmula sa dahon ng sambong ay mabisa upang mawala ang mga sintomas ng sipon.

7. Sakit ng ulo. Pinagtatapal sa noo ang dahon ng sambong kung sakaling makaramdam ng pananakit sa ulo.

8. Hika. Mabisa pa rin ang tsaa ng sambong para sa kondisyon ng hika.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento