Huwebes, Abril 19, 2018

Ampalaya

ng Ampalaya (Bitter Melon o Bitter Gourd) na may scientipikong pangalan na Momordica charantia ay isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas, mayaman sa bitamina A, B at C, folic acid, calcium, phosphorous at iron. Katulad ng iminumungkahi ng pangalan sa English ito ay may mapait na lasa dahil sa taglay nitong Momordica. Ito ay ginagamit na gamot mula pa sa mga ninunong tao na nagpasalin-salin na ng ilang saling lahi at napatunayang mabisa ng ilang pag-aaral at pagsasaliksik sa buong mundo. Kilala ito bilang lunas sa napakaraming karamdaman ngunit isa sa pinaka makabuluhang pinag-gagamitan nito ay ang Dyabetes. Nakatutulong ito na makalikha ang pranceas ng Insulin na siyang namamahala ng asukal sa dugo dahil sa nilalaman nitong flavanoids at alkaloids. Maliban sa kilalang lunas sa dyabetes at problema sa atay ito ay ginagamit ding mapagpipiliang gamot laban sa HIV.

Ang Ampalaya ay antioxidant at kilala din bilang panlaban sa bakteriya, antipirina, parasiticide at nakakatulong din itong makadagdag sa immune system upang labanan ang impeksyon.

Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:

Dyabetes
Problema sa atay
Rayuma
Gota
Pagtatae
Sakit sa ulo
Tumutulong sa paglinis at paggaling ng mga sugat at paso
Ubo
Lagnat
Bulate sa tiyan
Tumutulong sa pagpigil ng ilang uri ng kanser.

Paghahanda:

Ang Kagawarang ng Kalusugan (DOH - Department of Health) ng Pilipinas ay may iminumungkahing paraan kung paano ang paghahanda ng katas ng Ampalaya.

Hugasan at hiwain ng maliliit ang dahon.
Ihalo ang anim na kutsara ng ginayat na dahon sa dalawang baso ng tubig o 2 basong ginayat na dahos sa 4 na basong tubig.
Pakuluan ang pinaghalo sa loob ng 15 minuto sa isang kaserolang walang takip.
Hayaan itong lumamig at salain.
Uminom ng 1/3 tasa ng sulusyon 30 minuto bago kumain, tatlong beses isang araw.
Maaari ding pasingawan at kainin ang talbos ng Ampalaya (1/2 tasa, 2 beses isang araw)

Kung gagamiting sa pag purga, painumin ng marami.

Upang magamit sa sugat, sakit sa balat at paso, painitin ang dahon at itapal sa bahaging apektado.

GUYABANO




Ang guyabano ay kilala dahil sa bunga nitong masabaw at paboritong kainin ng mga Pilipino. Ito ay may balat na kulay berde at may tusoktusok, habang ang laman naman nito ay maputi at masabaw. Ang puno ay may katamtaman lamang na laki at ang dahon ay makinis. Tumutubo ito sa maraming lugar sa mundo partikular sa Timog Amerika at Timog Silangang Asya kabilang na ang Pilipinas.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA GUYABANO?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang guyabano ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang mga pangunahing substansya na taglay ng guyabano ay tannins, steroids and cardiac glycosides.
Ang dahon ay makukuhanan ng langis; myricyl alcohol, sitosterol, at fatty acids gaya ng oleic, linoleic, at stearic acids. Mayroon din itong lignoceric acid at anolol
Ang bunga ay may saccharose, dextrose, at levulose.
Ang balat ng kahoy ay mayroong acetogenin, solamin at triterpenoids, stigmasterol at sitosterol
ang buto ay may taglay na lactones, annomonicina, annomontacina, annonacina, annomuricatina, annonacinona, javoricina
Ang katas at laman ng bunga ay mayroon pang carbohydrate, fiber, retinol, ascorbic acid, flavonoids, at tannin

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Dahon. Ang dahon ay kadalasang pinapakuluan at pinapainom sa maysakit. Maaari din itong dikdikin at ipantapal sa ilang kondisyon sa katawan.
Bulaklak. Maaaring ilaga ang bulaklak at ipainom sa taong may sakit.
Bunga. Ang hilaw na bunga ay karaniwang kinakatasan upang gamitin bilang gamot. Ang sabaw naman ng hinog na bunga ay mabisa rin sa ilang mga kondisyon. Maaari ding gamitin ang laman ng guyabano bilang pantapal sa ilang mga kondisyon sa katawan.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG GUYABANO?

1. Pagtatae. Ang hilaw na bunga ng guyabano ay maaaring gamitin para sa kondisyon ng pagtatae. Maaari din gamitin ang katas ng hinog na bunga ng guyabano.
2. Lisa at kuto. Ang paghuhugas sa ulo na apektado ng lisa at kuto gamit ang pinaglagaaan ng dahon ng guyabano. Mabisa rin ang paggamit sa pinulbos na buto ng guyabano.
3. Pamamanas ng paa. Maaaring ipantapal o ipang hugas ang pinaglagaan ng dahon upang mapahupa ang pamamaga ng paa.
4. Eczema. Ang implamasyon sa balat ay maaari ding mapahupa sa tulong ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng guyabano.
5. Rayuma. Mabisa para sa pananakit ng mga kasukasuan ang pagpapahid ng langis mula sa dahon ng guyabano at hilaw na bunga nito.
6. Diabetes. Makatutulong para sa sakit na diabetes ang pinaglagaan ng ugat, balat ng kahoy at dahon ng guyabano.
7. Kanser. May ilang pag-aaral na isinagawa na nagpapatunay na mabisa ang katas ng bunga ng guyabano, pati na ang pinaglagaan sa pagpigil ng pagkalat ng cancer cells sa katawan.
8. Sipon. Ang matinding pagtulo ng sipon ay maari namang malunasan ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng guyabano. Maari din gamitin ang bulaklak para sa kaparehong epekto.

KALACHUCHI


Ang kalachuchi ay karaniwang puno na nakikitang nakatanim bilang halamang ornamental sa mga parke at plaza. Ito ay punong may katamtamang taas lamang ay namumulaklak ng maputi, madilaw, o mapusyaw na kulay at may angking halimuyak na kaayaaya. May dahon ito na makapal at mayaman sa dagta. Ito ay tumutubo saan mang lugar sa bansa at sa buong mundo, ngunit orihinal na nagmula sa bansang Mexico.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KALACHUCHI?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang kalachuchi ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang balat ng kahoy ay mayroong plumierid, isang uri ng glucoside na may mapait na lasa.
May taglay naman na resins, caoutchouc at calcium salts ng plumieric acid, at cerotinic acid at lupeol sa dagta nito.
Ang buong halaman ay makukuhanan ng steroids, flavanoids, tannins, alkaloids, and glycosides.
Ang pinatuyong dahon ay may alkaloids, cyanogenic glycosides, phenolic compounds, flavonoids, terpenoids, tannins, at saponins.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Balat ng kahoy. Ang balat ng kahoy ng kalachuchi ay nilalaga at pinapainom sa taong may karamdaman o kondisyon. Maaari ding dikdikin ang balat ng kahoy at ipantapal sa ilang kondisyon sa balat.
Bulaklak. Ang mahalimuyak na bulaklak ng kalachuchi ay nilalaga din upang magamit sa panggagamot.
Dahon. Ang dahon ay maaaring ilaga at inumin na parang tsaa, o kaya naman ay dikdikin at gamiting pantapal sa apektadong bahagi ng katawan.
Dagta. Ang malagkit na dagta na nakukuha sa mga sanga, dahon, at iba pang bahagi ng halaman ay ginagamit na pampahid sa ilang kondisyon sa katawan. Maaari din itong ihalo sa langis bago ipahid.

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG KALACHUCHI?

1. Problema sa pagreregla. Ginagamit ang pinaglagaan ng balat ng kahoy o kaya ay dagta ng kalachuchi sa pagkakaroon ng problema sa daloy ng dugo tuwing may buwanang dalaw. Makatutulong ang paggamit sa kalachuchi upang mas mapabuti ang pakiramdam.
2. Impeksyon ng bulate. Maaaring gamitin ang balat ng kahoy sa ugat ng puno upang puksain ang mga bulate sa tiyan. Ito’y nilalaga at iniinom na parang tsaa.
3. Galis. Mabisang makagagamot sa galis sa balat ang paghuhugas sa apektadong bahagi ng katawan ng pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kalachuchi.
4. Mga bukol at tumor. Ang dinikdik na balat ng kahoy ng kalachuchi ay ipinangtatapal sa bahagi ng katawan na may mga bukol at tumor.
5. Rayuma. Ipinangpapahid sa nananakit na bahagi ng katawan ang dagta ng kalachuchi na hinalo sa langis ng niyog upang mabawasan ang pananakit.
6. Pangangati ng balat. Mabisang pang-alis ng pangangati ng balat ang pagpapahid ng dagta ng kalachuchi.
7. Biyak-biyak na talampakan. Ipinangbababad sa apektadong paa ang pinaglagaan ng dahon ng kalachuchi.
8. Diabetes. Ang pinaglagaan naman ng bulaklak ay maaring ipainom sa taong may sakit na diabetes.
9. Pananakit ng ngipin. Ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ay makabubuti sa dumadanas ng pananakit na ngipin. Ipinangmumumog lamang ito.
10. Hika. Ang paghithit sa sinusunog na dahon ng kalatsutsi na parang naninigarilyo ay makatutulong sa dumadanas ng hika.

KATAKATAKA

Scientific name: Bryophyllum pinnatum (Lam.) Oken; Kalanchoe pinnata (Lam.) Pers.
Common name: Katakataka (Tagalog); Miracle plant, Mother of Thousands (Ingles)katakatakaAng katakataka ay isang halaman na may katamtamang taas lamang at kilala sa pagkakaroon ng ugat sa mga dahon. Ang dahon na tinubuan ng ugat ay maaaring itanim at pagtubuan ng bagong halaman. Ito ay may makapal at makatas na dahon at mayroon ding pulutong ng mga bulaklak na nakayuko. Karaniwang tumutubo ito sa maaming lugar sa kapuluan ng Pilipinas at iba pang bansa sa Asya na nasa rehiyong tropiko.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KATAKATAKA?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang katakataka ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang mga kemikal na maaaring makuha sa halamang ito ay alkaloids, triterpenes, glycosides, flavonoids, steroids, butadienolides, lipids, at organic acids. Mayroon pang arachidic acid, astragalin, behenic acid, beta amyrin, benzenoids, bersaldegenin, beta-sitosterol, bryophollenone, bryophollone, bryophyllin, caffeic acid, ferulic acid, quercetin, steroids, at taraxerol.
Ang dahon ay may taglay na bryophyllum A, B at C, at malic acid.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Ang buong halaman ay maaaring katasan upang magamit sa panggagamot.
Dahon. Karaniwang dinidikdik at kinakatasan ang makapal na dahon ng katakataka upang ipampahid sa mga kondisyon sa katawan. Maaari din itong itapat sa apoy bagi ipantapal sa balat.
ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG KATAKATAKA?
1. Kagat ng insekto. Tinatapalan ng dinikdik na dahon ng katakataka ang bahagi ng katawan na may kagat ng insekto. Makatutulong ito upang mawala ang pangangati at iritasyon sa balat.
2. Eczema. Ang kondisyon ng eczema o implamasyon sa balat ay maaaring matulungang ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng katakataka.
3. Sugat. Mas mapapabilis ang paghilom ng sugat sa pamamagitan ng pagtatapal ng dahon ng katakataka na pinadaanan sa apoy. Maaari din itong dikdikin bago ipantapal upag makatulong sa paggaling ng sugat.
4. Pigsa. Ang pigsa ay tinatapalan din ng dahon na bahagyang pinitpit. Maaari din din gamitin dahon na pinadaanan sa apoy.
5. Pagtatae at disinterya. Ang tuloy-tuloy na pagdumi ay maaaring maibsan sa tulong ng pag-inom sa katas ng katakataka na makukuha sa dahon at mga sanga nito.
6. Hika. Ang dahon ay binababad muna sa mainit na tubig sa loob ng 15 minuto bago katasan at inumin para sa kondisyon ng hika.
7. Altapresyon. Mabisang nakapagpapababa ng presyon ng dugo ang pag-inom sa katas ng halamang katakataka.
8. Pananakit ng tenga. Pinapatak naman sa loob ng nananakit na tenga ang katas ng dahon ng katakataka upang guminhawa ang pakiramdam.
9. Pananakit ng ulo. Ipinangtatapal naman ang dahon ng katakataka sa noo at sentido upang mabawasan din ang pananakit ng ulo.
10. Rayuma. Ipinangtatapal din ang dinikdik na dahon ng katakataka sa nananakit na kasukasuan na dulot ng rayuma.

Ang tuba-tuba ay isang halamang gamot

Ang tuba-tuba ay isang halamang gamot na may sayantipikong pangalan na Jotropha curcas, kilala sa Pilipinas bilang isang lunas sa pasa at natapilok na bukong-bukong. Kulay pulang katas ang makukuha sa ugat nito at kulay asul naman sa kanyang balat. Ang isa sa pinaka may pag-asa o inaasahan na parte ng punong ito ay ang kaniyang bunga na maaaring gawing alternatibong pangatong (biofuel).
Ang halamang ito ay lumalaki ng mula sa isa hanggang 8 metro o mahigit pa, may malapad na dahon at may limang umbok, 5 hanggang 8 pulgada ang haba.
Ginagamit na gamot herbal sa:
Pasa
Natapilok (bukong-bukong)
Paano gamitin:
Bilang pantapal:
Gugasan ang dahon
Punasan ng malinis na damit upang matuyo
Painitin sa mahinang apoy, lagyan ng langis, (langis ng niyog), ang iba ay gumagamit ng efficascent oil.
Ilagay sa apektadong bahagi, balutin ng damit o bendahe.
Palitan kung ang dahon ay tuyo o malutong na.
KAALAMAN TUNGKOL SA TUBA BILANG HALAMANG GAMOT
Scientific name: Croton tiglium Linn.; Croton camaza Perr.; Croton glandulosum Blanco; Croton muricatumBlanco
Common name: Tuba (Tagalog); Croton oil plant, Purgative croton (Ingles)
Ang tuba ay isang maliit lamang na puno na kilalang ginagamit bilang halamang gamot. Ang dahon ay malapad, pahaba sa dulo at bahagyang patalim paligid. Ang mga bulaklak ay maliliit lamang din, habang ang bunga ay mala-kapsula na may mga buto sa loob. Karaniwang makikita ang halamang ito sa mababang lugar na malapit sa mga tirahan at bayanan sa Pilipinas.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA TUBA?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tuba ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang ugat ng tuba ay may taglay na tannin.
Ang buto naman ay mayroong langis (croton oil), na may taglay na croton globulin at croton albumin, arginine, at lysine. Mayroon pa itong lipase, invertase, amylase, raffinase at proteolytic enzyme. Maaari ding makuhanan ng crotone resin, tiglic acid, croton oleic acid, stearic, palmitic, myristic, lauric, oenanthrallic, capronic valerianic, butyric, isobutyric, acetic at formic acids. Mayroon din itong tannin.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Ugat. Karaniwang nilalaga ang ugat upang mainom at makagamot sa ilagn sakit.
Buto. Ang buto ay karaniwang kinukuhanan ng langis na maaaring gamitin na pampahid sa balat.
Dahon. Ang dahon ay karaniwang pinatutuyo bago ilaga, ngunit maaari ding ilaga nang sariwa. Ang pinaglagaan ay maaaring inumin upang makagamot sa ilang kondisyon.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TUBA?
1. Rayuma. Karaniwang nilalaga ang pinatuyong dahon at ugat ng tuba upang maibsan ang pananakit ng kasukasuan dahil sa rayuma.
2. Kagat ng ahas. Maaari ding ipampahid ang dinikdik na dahon ng tuba sa kagat ng ahas upang maiwasan ang pamamaga at iba pang komplikasyon sa sugat.
3. Pilay. Makatutulong naman ang pagtatapal ng dahon na pinahiran ng langis at pinadaanan sa apoy sa pilay at iba pang pananakit sa buto.
4. Bulate sa sikmura. Mahusay rin na pampurga sa mga bulete sa sikmura ang pinaglagaan ng ugat, dahon at balat ng kahoy ng tuba. Maaari ding gamitin ang langis na makukuha sa buto ng tuba.
5. Pigsa. Ang pinitpit na ugat tuba ay mabisang pang alis sa pigsa sa balat. Ito’y ipinangtatapal lamang sa apektadong bahagi ng balat.
6. Eczema. Ang buto rin ng tuba ay maaaring durugin at ihalo sa tubig bago ipampahid sa balat na apektado ng eczema.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KALAMANSI?

Ang kalamansi ay isang maliit na puno na may maliliit na mga dahon, puti at mahalimuyak na bulaklak. Ang berde at bilog nitong bunga ay karaniwan at kilalang-kilalang sangkap at pampalasa sa maraming pagkain, sawsawan, at inumin. Ito ay orhinal na nagmula sa Pilipibas,
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KALAMANSI?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang kalamansi ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang balat ng kalamansi ay may taglay na aldehydes, sesquiterpenes, beta-pinene, linalool, linelyl acetate, tannin, glucoside, at cyanogenetic substances.
Mayaman din sa Vitamin C ang katas ng bunga.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Bunga. Ang bunga ng kalamansi ay karaniwang kinakatasan upang makagawa ng inumin na mabisa para sa ilang kondisyon sa katawan. Maaari ding ipampahid sa balat ang katas ng bunga.
Ugat. Karaniwan namang inilalaga ang ugat ng kalamansi upang magamit sa ilang kondisyon.
Dahon. Maaari ding ilaga ang dahon ng kalamansi upang mapakinabangan ng taong may sakit.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG KALAMANSI?
1. Tagihawat. Maaaring hiwain lang ang kalamansi at direktang ipahid sa balat na apektado ng pagtatagihawat. Makatutulong ang matapang na katas ng kalamnsi sa pagpuksa ng mikrobyong nagdudulot ng tagihawat.
2. Pangingitim ng balat. Ang pangingitim naman sa balat ay maaari ding masolusyonan ng regular na pagpapahid ng hiniwang kalamansi bago matulog.
3. Ubo. Dapat inumin ang katas ng kalamansi na mayaman sa vitamin C upang matulungan ang sarili laban sa ubo.
4. Sipon. Ang sintomas ng sipon ay maaari ding matulungan ng pag-inom sa sa kalamansi juice na mula sa katas ng kalamansi.
5. Sore throat. Matutulungan din ng katas ng kalamansi na guminhawa ang pakiramdam ng taong dumaranas ng sore throat. Dapat lamang inumin ang katas ng kalamansi bilang kalamansi juice.
6. Altapresyon. Nakakababa naman daw ng altapresyon kung iinom ng pinaglagaan ng dahon ng kalamansi.
7. Pagkahimatay. Maaaring pirisin ang balat ng kalamansi sa tapat ng ilong ng taong hinimatay upang manumbalik ang malay-tao.
8. Bagong panganak. Ang pinaglagaan ng ugat ng kalamansi ay maaaring ipanghugas sa inang bagong silang pa lang.

10 Tips Para Sa Mga Mahirap Pakainin


1. Huwag pakainin ng matatamis dahil masasanay ang dila at hahanapin na nila ang lasa nito gaya ng mga candies o chocolates. Bawal rin ang softdrinks. Pagsinanay mo sa matatamis ay aayawan na niya ang gulay dahil natural na di matatamis ang mga ito.
2. Huwag pagalitan o saktan para lang kumain. Kinakatakutan tuloy niya na darating na naman ang pananghalian o hapunan kaya tuloy hindi nadedevelop ang natural na curiosity o pagkagusto nito sa pagkain. Kailangan ang bata ay matutong kumain sa rason na dahil gutom na siya at hindi dahil papagalitan sila.
3. Kung konte lang ang kinakain, kailangan meroon kang gatas araw-araw upang mahabol ang kulang niya na sustansiya. Dalawa o tatlong baso ng gatas ay napakalaking tulong na.
4. Itabi mo ang anak mo sa ibang bata na malakas kumain para makita niya na may batang katulad niya malakas na palang kumain at tuloy gagayahin niya ito. Pero huwag mo naman siyang piliting gumaya kaagad. Lahat ng pagbabago ay dahan dahan ang importante ay nakita niya ito.
5. Gawing masaya ang hapag kainan. Bawal ang mga sigawan at awayan. Nakawala po ito ng gana para sa kumakain.
6. Yung mga gulay na ayaw niya pero alam mong importante, pwede mong tadtarin ng pino at ihalo ng konte sa kanin o sa ulam para di gaanong mahalata.
7. Gawing attractive ang gulay. Kunwari yung caulifower gawing itsurang fried chicken. Marami sa youtube ang paraan kung papaano gawin ito.
8. Tangapin ang katotohanan na merong mga batang mapili sa pagkain. Ang dila o ang panlasa ng isang tao ay namamana rin. Baka ikaw o ang asawa mo nung bata pa kayo ay mapili rin at mahirap ring paka-inin pero tingnan mo naman ang nangyari sayo ngayon? Diba lumaki ka rin at naging palakain ka na rin? Ganoon din ang mangyayari sa iyong anak, babago rin yan at lalakas ring kumain. Kaya relax lang. Wag lang parating pagalitan. Huwag din parating ikumpara sa ibang bata na malakas kumain dahil baka ang lahi din nila ay malakas kumain kahit bata pa. May taong masyadong nasasarapan sa ampalaya meron ding para sa kanya ay ito ay lasang parusa. Di niya kasalanan yun, nasa lahi din yun.
9. Paminsan minsan epektibo rin ang Vitamins na may Buclizine dahil ito ay appetite stimulant pero limit lang po yan sa dalawang buwan tapos papalitan niyo naman ng Vitamins na walang buclizine. Pero uulitin ko paminsan minsan lang epektibo ito, sundin mo pa rin ang iba pang nakasulat dito.
10. Ang bata po ay may tinatawag na natural na “hunger centre” at “thirst centre” sa utak na yun ang nagsisgnal sa ating katawan na humanap na ng tubig at pagkain dahil konte na ang tubig at sustansya ang nasa katawan natin. Inilagay ng Diyos yan sa ating katawan upang tayo ay mabuhay. Di kailangan na pilitin siya na kumain at uminum. Magtiwala ka rin na gumagana ang mga thirst and hunger centers na yan.